Alam nating lahat ang nangyayari sa ating bansa. Tayo ngayon ay nakakatikim ng silent invasion mula sa Tsina. May kaaway tayong manlulupig, at ito ay ang Tsina. Isa sa pinakamahalaga nating dapat isapuso ayang axiom: KNOW YOUR ENEMY. Alamin natin ang stratehiya ng Tsina kung paano nito nilulupig ang mga bansa at I apply natin sa ating sitwasyon ngayon. ANONG URING KAAWAY ANG TSINA?

Ang pinakamalinaw na analogy na pwede kong magamit ay ang Chinese martial arts na tinatawag na kung fu VERSUS western boxing.

Sa chinese style martial arts, makikita nating walang sense of fair play, walang fight rules. Pwedeng deception ang gamitin, kunwaring lasing tulad ng drunken kung fu or kunwari ay walang weapons pero yun pala ay may poison darts or knives or deadly pokes sa lalamunan, sa mata, at iba pang sensitive areas. Pag bumagsak ang kalaban sa kung fu, pagkakataon na ng nagpabagsak na birahin ng todo ang kaaway. Sa kung fu, pwedeng pagtulungan ng tatlo ang isang kaaway, pwedeng sabuyan ng buhangin sa mata, pwedeng bayagan. Walang time out. Walang humanitarian considerations.

Pag lumaban ang isang boksingero sa isang kung fu artist, hulaan nyo kung sino ang matatalo.

Ganun din naman sa international stage, China ang ating kalaban, at ginagamit ng Tsina ang lahat ng dirty tricks upang manalo sa giyerang ating sinusuong ngayon. Sa labanang demokrasya at Komunismo, malaki ang bentahe ng mga komunista. Wala silang ethics, walang human rights and freedoms, walang Diyos. At dapat nating I consider na ang demokrasya ay tungkol sa fair play at rules based ang laro nya samantalang ang komunistang tsina ay street fighter, anything goes at walang bawal sa kanilang desire na sakupin ang mundo.

ANO ANG KONSEPTO AT STRATEHIYA NG TSINA PARA MASAKOP ANG MUNDO?

May mga classic na war treatises ang Tsina na kung saan ang mga pantas dito ay sinasaad kung paano manalo sa mga giyera. Ating tunghayan ang mga turo ni SUN TZU sa kanyang ART OF WAR. Also, basahin din natin ang turo ng isang war treatise na tinatawag na 36 STRATAGEMS. Daanan din natin ang war philosophy ni MAO TSE TUNG.

Ang pinakamahalagang stratehiya sa giyera ay galing sa ART OF WAR, 3.2: “Hence to fight and conquer in all your battles is not supreme excellence; supreme excellence consists in breaking the enemy’s resistance WITHOUT FIGHTING.” Ang ultimate na giyera ay iyong walang giyerang maganap. Paano ito? Sa 1.18 ng ART OF WAR, mababasa natin: “All warfare is based on DECEPTION”, meaning, LIES.

Sa maikling salita, ang supreme skill ay manalo sa giyera na hindi nakikipaglaban kundi mag deceive o manloko, magsinungaling, magkunwari… Iyan po ang sinusunod na stratehiya ng tsina dito sa bansa natin at sa ibang bansa.

Paano naging supreme weapon ang deception? Dahil ito ay ang pinaka epektibong paraan ng panlulupig. Ang tahasang giyera ay napakagastos at maraming tsino ang mamamatay. Pero ang DECEPTION ay matipid at napakahusay na tool of conquest.

Ang laman ng insurgency doctrine ng Maoism na itinayo ni Mao tse tung ay ang kahalagahan ng DISINFORMATION at PROPAGANDA para manalo ang Komunismo. Kabilang na dito ang tahasang PAGSISINUNGALING. Nung 1940s ay binola ni Mao tse tung ang USA na ituro sa kanya ang mahusay na paraan ng modern warfare in exchange for Mao’s loyalty to the USA and democratic processes. Tuwang tuwa ang USA at nagturo nga sila.

Nung matuto na ang mga Maoists, ginamit nila ang kaalaman at mga sandata upang giyerahin ang America sa Korea at Tsina. TOINK. Nadale ang Kano. Naulit ito nang binola ng tsina ang USA na I share sa kanila ang industrial technology nito upang umunlad ang tsina.

Naniwala ang USA sa pangako ng tsinang magiging democratic country ito bilang pagtanaw ng utang na loob. Ipinasok din ng USA sa WTO ang tsina para maging maunlad ang kalakalan between china and the world. Umunlad ang tsina, pero LALO itong naging komunista.

Ginamit ng tsina ang katangahan at pagkaganid ng USA at iba pang bansa upang umunlad sya, at nag succeed sya because of DECEPTION. Thank you Sun Tzu!

Sa ngayon, nananatili sa kapangyarihan ang chinese communist party dahil sa kanyang 50 CENT ARMY. Yung tinatawag nating troll farms. https://www.washingtonpost.com/news/monkey-cage/wp/2016/05/19/the-chinese-government-fakes-nearly-450-million-social-media-comments-a-year-this-is-why/?outputType=amp

Napakahalaga para sa mga repressive regimes ang disinformation. Ito rin ang dahilan kung bakit may malaking troll farm si duterte. Turo sa kanya yan ng Tsina.

Talakayin natin ngayon ang iba’t ibang uri ng deception na ginawang art form ng mga intsik upang makapanlupig na hindi kailangan ng giyera. Naka detalye ang mga paraan ng deception sa ancient document na tinatawag na 36 STRATAGEMS ( https://en.m.wikipedia.org/wiki/Thirty-Six_Stratagems).

1. DISTURB THE WATER AND CATCH A FISH

  • Palabuin ang tubig upang makapanghuli ng isda. Meaning, manggulo upang manaig. May saying na attributed kay Mao tse tung: “Everything under heaven is in utter chaos. The situation is excellent!” Nakikinabang ang komunista sa magugulong situations!

  • Ito po ang dahilan kung bakit gumawa si digong ng fake drug war at pumatay sya ng libo libo. Winasak din pilit ni digong ang pangalan ng LP, ng mga dilaw nating pinuno, at isinabong sa mga naniwala na ang tawag natin ay DDS. Nagkahati hati ang mga Pinoy, at sa dami ng pinatay, a spirit of confusion and fear was created.

2. LOOT A BURNING HOUSE

  • Same idea as above po. Para manakawan mo ang isang mansion, sunugin mo ito. Dahil sa gulong likha ng EJK at away ng DDS at dilaw, nakapagtayo ang tsina ng artificial islands sa WPS. Dahil tayo ay magulo, divided, at naglipana ang mga traydor, kay daling nagawa ng tsina ang kanyang balak.

  • Nangyari muli ito nang kinalat ng tsina ang covid. Nakapagtayo ng mga bagong distrito ang tsina sa WPS, napagbawalan ang ASEAN nations na mangisda sa sakop nilang karagatan, napalago nila ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng pagbebenta ng defective medical equipment, nakabili o nakapag takeover ang tsina sa mga negosyo sa ibang bansa, at napahina ang US military dahil sa pagragasa ng covid sa kanila.

3. MAKE A SOUND IN THE EAST, STRIKE IN THE WEST

https://qz.com/1857362/china-re-wrote-the-rules-in-hong-kong-amid-coronavirus-pandemic/?utmsource=email&utmmedium=daily-brief

https://www.amnesty.org/en/latest/news/2018/07/philippines-dutertes-human-rights-smears-a-classic-diversionary-tactic/

Nag announce si digong na magbubuo sya ng hit squads against the NPA kasabay ng pakikipagdeal nya ng sekreto sa tsina at pagtayo ng 3rd telecom, ang Mislatel, isang chinese telecom company, at upang pagtakpan ang P11 billion shabu shipment noong Nov. 2018.

4. TOSS A BRICK OUT AND GET A JADE GEM

  • Para yang mamigay ka ng 500 pesos para mahalal kang mayor. Sa konting puhunan, daang milyon ang kikitain!

  • Nangako ang tsina na popondohan ang BUILDx3 program ni digong. Kapalit? West Philippine Sea. Pinondohan ng konti ang Chico Dam project, sila din ang gagawa at trabahador nila ang makikinabang, AT napakataas ang interest rate. Halimbawa’y pinautang tayo ng tsina ng 32 bilyong piso, PAUTANG YUN HA, ang naging kapalit? $10 TRIILLION na langis, mga isda, natural gas, mga minerals, coral reefs, at milyong ektaryang teritoryo natin!

  • Siyang tunay, pinautang tayo ng tsina ng galunggong, pinalitan natin ng litsong elepante.

5. REPLACE THE BEAMS WITH ROTTEN TIMBER

  • Winawasak ng tsina ang ating Christian religion, ang ating values and morals, lalo na sa pamamagitan ng ating mahal na pangulo na persecutor ng Christianity at moralidad ng mga Pilipino at promoter ng values ni satanas.

  • Winawasak ng tsina ang demokrasya sa pamamagitan ng pag gamit sa mga corrupt na pulitiko para masunod ang gusto nila sa bansang sinasakop nila, itinuturo ang mapaniil na pamamaraan tulad ng police abuse at pagpatay ng mga Hongkong demonstrators, ang pagpapahina sa rule of law, human rights at mga demokratikong Konstitusyon ng mga bansa.

  • Binebentahan ang mga bansa ng pekeng produktong masama sa kalusugan lalo na ang mga pekeng gamot, dangerous drugs tulad ng fentanyl sa USA at shabu sa Pilipinas.

  • Pinapahina ng tsina ang kapasidad ng mga bansa na mag produce ng sarili nilang pagkain, ng malinis na tubig. Ninanakaw ng tsina ang mga natural resources ng mga bansang kanilang naimpluwensyahan, ninanakaw ang isda, langis, mga minerals atbp.

  • Ang pagpasok ng ideolohiyang Maoism sa mga bansa tulad ng ginawa sa ating PDP LABAN.

ANG LAHAT NG ITO AY GAMIT NG TSINA TO SOFTEN UP A COUNTRY’S DEFENSES, SAP ITS STRENGTH, MAKE IT MORE DEPENDENT ON CHINA.

6. HIDE A KNIFE BEHIND A SMILE

  • Isang malinaw na halimbawa ay ang mga pananalita ng mga intsik na kaibigan nila tayo at partner sa pag unlad, ang awiting Iisang Dagat na tunay na kahindik hindik ang kasinungalingang kinalat. Nagkukunwang kaibigan ang manlulupig samantalang hinawa nila tayo ng covid at ngayo’y buong bait na nagdo donate ng defective masks and PPEs na ang iba ay contaminated pa ng wuhan virus!

7. Ang WOW CHINA program sa Pilipinas, ang Confucius Institute ay mga “friendly” cultural overtures ng tsina sa Pilipinas upang mapagmukha silang mabubuting kaibigan… kuno.

8. MAKE THE GUEST AND HOST EXCHANGE ROLES

  • Ongoing na pagkamkam sa ating dagat, including na ang Benham Rise, ang pag angkin sa mga lupain natin sa Luzon, Visayas, Mindanao, hanggang sa pagdating na ng araw, kanila na ang Pilipinas at kanila na rin ang mga Pilipinong mga tunggak at duwag na nasisiyahan na lamang maging alipin for eternity.

  • Sa ngayon, may mga modernong prinsipyong nakasandal pa rin sa old war philosophies na gamit ang tsina upang mas epektibong makamkam ang mundo. Mababasa na natin ang DATI nang ginagawa ng tsina na UNRESTRAINED WARFARE, meaning a war without ethics, anything goes, tulad ng kung fu na ang tanging mahalaga ay manalo at pwedeng gumamit ng lahat ng paraan para matamo ang tagumpay.

  • Gumagamit ang tsina ng laser upang sirain ang mata ng mga piloto, ng microwave upang sirain ang utak ng mga embassy personnel, and even bioweapons tulad ng wuhan virus. Ang intsik ay mandirigmang cunning and ruthless, not burdened by morality, humanity, or even basic religious decency.

  • Meron silang SHORT OF WAR stratagem na halimbawa’y gumagamit sila ng mga fishing boats upang angkinin ang WPS. Nasa background lang ang kanilang warships. Siyanga naman, mag re react ba ang US or Philippine military kung ang nakapalibot sa Pag Asa island ay mga bangkang pangisda? Kinukuyog nila ang mga pag aari nating isla ng bangkang marami at gumagamit ng CABBAGE STRATEGY upang sakalin ang mga naturang teritoryo natin hanggang sumuko na lang tayo at umalis.

https://www.theepochtimes.com/us-finally-stands-up-to-chinas-cabbage-strategy_2899090.html

Ano ang magiging kinabukasan natin kung hahayaan na lang nating unti unting lupigin tayo ng tsina? Kayo na ang sumagot.