Sa malayong baryo ng San Roque, isang haka-haka ang laging bukambibig ng mga tao. Si Estong na anak ni Nena ay hindi umuwi isang gabi, at ang sabi nila, kinuha raw ng engkanto ang kaawang-awang binatilyo.

~

Si Emannuel Selyo Tabing ay pinanganak sa malayong bayan ng San Roque. Kilala siya sa bansag na Estong at maraming tao ang humahanga sa kaniyang kasipagan, kabaitan, at katalinuhan. May angking kakisigan din daw ang binatilyo ayon sa ilang kababaihan. Ang tanging kapintasan lang kay Estong ay hindi siya naniniwala sa Diyos. 

Pero isang gabi, bigla na lang nagsisigaw ang kaniyang ina at ayon dito, hindi raw umuwi si Estong. Malaking palaisipan sa mga tao ang pagkawala ng binatilyo dahil hindi ito ang tipong nakikituloy sa ibang bahay. Wala rin itong kakilala na maaring pagtaguan. Pagtaguan? At sino naman ang pagtataguan ni Estong? May nakakaalam ba kung nasaan siya ngayon? Anong hiwaga ang bumabalot sa pagkawala ng binatilyo at sino itong nagpakilalang kakambal niya umano?

Based on 1 Timothy 4:7, "But reject profane and old wives' fables, and exercise yourself toward godliness."

Author's note: This is just a promotional post. I will not publish the story here. The story that have also paranormal activities is Sa Malayong Bayan ng San Roque. I will update the story soon so stay tuned.