elisestrella
63 supporters
A Shower of Starlight - Chapter Two

A Shower of Starlight - Chapter Two

Nov 09, 2021

Chapter Two - Djoser

“Ina? Why is my brother naked on our couch?”

Nagising ako sa malakas na sigaw ng isang babae mula sa malapit. Three seconds of consciousness, ‘tapos ow, shet! Parang tinamaan ng kidlat ‘yung utak ko bago siya nagsimulang tumibok.

“What?” tanong ng isa pang babae. What the heck? Nasaan ako at parang ang daming babae?

“Si Kuya!” sabi n’ung unang boses. “Why is he naked on our couch?”

A beat, then the second woman began to shout too. “Because… we’re having a hot and dirty affair behind your back?”

Someone let out a really, really loud snort.

“Ba’t ayaw mong maniwala?” tawa ng… hindi ko na alam kung sino sa kanila.

Sinubukan kong dumilat pero nasunog ng maliwanag na ilaw ang mga cornea ko. I slammed my eyes shut again.

God? Is that You? Sorry po. Hindi na po talaga ako iinom ulit, promise.

Parang napalitan ng corrosive acid ‘yung brain fluids ko. May tumutusok sa sentido ko at sa mga mata ko, at sa palagay ko eh may tumutunaw din sa stomach lining ko kasi halos maramdaman kong may mga nabubuo akong ulcer sa sakit ng sikmura ko. In addition to that, sigurado kong may kung anong mabalahibo ang namatay sa loob ng bibig ko.

Fuuuuck.

I may have moaned. Natahimik kasi ‘yung mga nagsisigawan sa tainga ko.

“Kuya? Are you okay?”

“Do you really need to shout?” I groaned.

“I’m not shouting,” she shouted.

I moaned again, and carefully pried my eyes open. May dalawang aninong nakatayo sa tabi ng sofa kung saan ako nakahiga. Akala ko talaga sinusundo na ako ni Kamatayan. May kung sino na nagpatay ng maliwanag na overhead light kaya ‘yung malamlam na yellow light na lang na mula sa lamp sa side table ‘yung natira. May isa pang aninong lumapit sa kanila, at nang mag-focus ang mga mata ko, nakilala ko si Karina, si Noë at si Kevin.

“What the fuck happened?” I asked in a low, gravelly voice, the sound leaving my throat like jagged glass.

“You’re asking us?” tanong ni Noë. At least hindi na siya sumisigaw ngayon. “What happened to you?”

Ilang beses akong lumunok bago ako nagsimulang bumangon. Bukod sa ulo at sikmura, masakit din ‘yung leeg ko. Inangat ko ‘yung isa kong kamay sa batok ko, saka ko napansin na nakahubad nga ako.

“I’m naked,” sabi ko sabay hila ng kumot hanggang sa ilalim ng baba ko. Nahanap ng mga mata ko si Karina. “Why am I naked?”

“Because we’re having a hot and dirty affair behind their backs,” sagot niya.

Nagbukas ako ng bibig pero bumaba ang mga mata ko sa hawak niyang bote ng sports drink na inaabot niya sa ‘kin.

Ipinilig ko ‘yung ulo ko. Bad move kasi nahilo ako, pero tinanggap ko ‘yung bote na para bang susi ng Pearly Gates ang inabot niya sa ‘kin.

“I think I love you,” I croaked.

“See?” ngisi niya sa kapatid ko. “Hot affair!”

Dahan-dahan akong umayos ng upo. Dahan-dahan para hindi masyadong maalog ‘yung utak kong kasalukuyang binuburo ng tequila, at para na rin hindi malaglag ‘yung kumot na nakabalot sa mga balikat ko.

“Ano ba ‘yan, Djo? May boobs kang kailangang takpan?” hirit ni Karina.

“Shy at conservative ako.” Hinila ko ‘yung bote ng sports drink sa ilalim ng kumot saka ko pinihit ‘yung cap. Noon ko rin naramdaman ‘yung tela ng suot kong shorts. At least hindi naman pala ako nakahubad talaga.

Sinundan ko ng tingin si Karina n’ung naglakad sila ni Kevin papunta sa dining area ng condo. May hawak silang mga reusable bags na, base sa amoy na nanggagaling d’un, eh may lamang pagkain. My stomach flipped at the idea of food.

“Ina texted. Sabi niya nandito ka nga raw and to bring home dinner,” paliwanag ni Noë na naupo sa tabi ko. “I didn’t expect that you’d be passed out naked on the sofa. What happened?”

Sinulyapan ko ulit ‘yung magkapatid na nagbibiruan habang inilalabas nila ‘yung mga container ng pagkain mula sa mga bag. Sinusulyap-sulyapan din ako ni Karina kaya alam kong nakikinig din siya sa usapan namin ni Noë.

Honestly, hanggang ngayon parang malabo pa sa ‘kin kung ano talaga ‘yung nangyari kaninan. Nagbibiruan lang kami ni Polly…anna tungkol sa birthday gift na gusto ko, then nagkaseryosohan ‘yung tanong tungkol sa threesome, ‘tapos ayun na, nag-panic na ako at inaaway ko na siya.

Mas lalong sumakit ‘yung ulo ko.

“I think Polly…anna,” dagdag ko kasi medyo weird na talaga sa ‘kin na tawagin siyang Polly considering the circumstances, “and I have broken up.”

“Oh, shoot. I’m so sorry, Kuya,” sabi ng kapatid ko na puno ng pag-aalala ang boses. She touched my arm. “Are you alright?”

Of course ‘yun ang una niyang itatanong. Nagkibit-balikat ako. “Not… really sure.”

“But why?” Halata ang pagtataka ni Noë sa boses niya. “Nag-away ba kayo? I didn’t know you were having problems.”

Neither did I, actually. Masaya kasi kaming dalawa. Sa loob ng halos dalawang taong pagsasama, hindi pa kami nag-aaway. Magkasundo kasi kami sa lahat, at kung magka-iba naman ang opinyon namin tungkol sa isang bagay, alam naming magkompromiso. Except I didn’t know that my girlfriend was the type who wanted two boyfriends. How do I compromise with her on that?

Sinulyapan ko ulit si Karina na nakatingin na naman sa ‘kin. Bigla kong naalala n’ung tanungin niya kung may permiso ba akong sabihin na poly si Polly…anna. I guess it’s like being gay? You don’t just out them without their knowledge or permission. Pasensya na kung hindi ako gan’un na maalam. First time kong makakilala ng poly eh.

Saka sinabi ko ‘yun kay Karina kasi wala akong ibang masabihan at kailangan ko ng kausap para malinawan ako. Kailangan ko ng ibang perspective.

But then again, this was Noë. She and Karina were best friends for a reason. Kung may isa pang makaka-intindi, si Noë ‘yun.

Uminom muna ako ulit at medyo nawala ‘yung fur sa dila ko ‘tsaka na-dilute nang kaunti ‘yung alkohol sa sistema ko. Tumikhim ako bago ako nagsalita. “I’m going to tell you because I need to, but you can’t tell anyone else.”

Kumunot ang noo niya. She hesistated pero tumango siya. “O…kay?”

“Ikaw din,” tango ko kay Kevin na nakatayo pa rin sa may mesa, ngumunguya na ng kung ano. Nanlaki ang mga mata niya at itinuro niya ang sarili niya. “Yeah, you,” I said.

“Okay?” sagot niya na kaparehong-kapareho ng tono na ginamit ng girlfriend niya.

Bumuga ako ng hangin. “She’s Polly.”

Kumurap si Noë. “Uhm, yeah? I know she’s Polly. May iba ka pa bang girlfriend? What—”

“Hindi!” sabat ko. I heard Karina snicker. ‘Yun na ‘yun din kasi ‘yung reaksyon niya kanina. I glared at her before turning back to Noë. “I meant she’s poly, as in polyamorous.”

Nalaglag ang panga niya. “Oh… Oh! Wow!”

Sinimangutan ko rin siya gaya ng pagsimangot ko sa best friend niya kanina. “At bakit parang amazed na amazed ka rin?”

“No! It’s just…” Pinagmasdan niya ako na namimilog pa rin ang mga mata. “She actually told you that? Oh my god! She’s so brave!”

Nilingon ko ulit si Karina na nakangisi na. “Bakit gan’un? Ba’t parang mas supportive pa kayo kay Polly? Di ba dapat malungkot kayo para sa ‘kin?”

“Bakit?” natatawa nang tanong ni Noë.

“Kasi hindi ako sapat para sa girlfriend ko!”

“Ako, Kuya, malungkot ako para sa ‘yo,” sabi ni Kevin na kinakawayan ako gamit ang isang thick-cut fry.

Buti pa ‘to. Itinuro ko siya. “Thank you.”

“Hindi, sige,” sabi ni Noë na hinahawakan ulit ‘yung braso ko at pinisil ‘yun. “It’s just… wow.”

“Yeah. Wow,” I commented drily.

“Pero, seryoso, Kuya. I’m so sorry you’ve broken up.”

Napahilamos ako. “Actually, hindi ko alam kung break na kami. Sabi ko kasi kailangan kong mag-isip. Pumayag naman siya so…”

Inulit ko lang ‘yung ikinuwento ko kay Karina, na nagsimula sa biruan sa threesome ‘yung away namin. Siyempre, napunta na naman sa pagiging vanilla ko ‘yung usapan.

Yeah, I know a lot of guys would jump at the chance to be in a threesome. Basta naman willing silang lahat, kahit pa mag-orgy ang mga tao, hindi naman ako manghuhusga kung ‘yun ang gusto nila. Pero hindi ko kasi makita ‘yung sarili kong kasama sa threesome.

Una, hindi ko kayang mag-share ng mahal ko. Hindi ko kayang makita na may ibang lalaking hahawak kay Pollyanna. Mapapa-away ako.

Pangalawa, isa ako sa mga taong hindi interesado sa casual sexual encounters. I’ve only ever slept with two women—not at the same time!—at nasa committed relationship ako sa kanila n’ung mga oras na ‘yun. I’ve never had a one-night stand. Kung sumali naman ako sa threesome na wala akong emotional attachment, malamang mauupo lang ako sa isang tabi, nanonood at kumamain ng sandwich habang nagkakasarapan ‘yung mga ka-threesome ko.

I guess I’m really just monogamous. That’s how I’m wired.

“I’m really sorry, Kuya,” ulit ni Noë. “I’m sure you’ll figure it out if you really want to be together. Kung kayo, kayo talaga. Ang mahalaga kasi sa huli, masaya kayong dalawa ni Polly.”

Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado kung paano ko masisigurong mangyayari ‘yun, na magiging masaya sa isa’t-isa ang dalawang tao na magkasalungat ang kailangan para maging maligaya.

Inaya kami nina Karina at Kevin sa mesa para makapaghapunan. Lampas alas nuebe na rin pala kasi ng gabi. Nag-banyo muna ako para maghilamos at isuot na rin ‘yung T-shirt ni Kevin na nakaligtaan ko nang isuot kanina sa kalasingan ko, saka ako sumama sa kanila sa dining table.

Sigurado kong hindi pa kaya ng sikmura ko ang solid food kaya nagpasalamat ako na nag-take out din ng sabaw sina Noë. ‘Yun ang unti-unti kong hinigop habang nagkukuwentuhan sila.

“Ano’ng gagawin mo kung ako ‘yung poly?” tanong ni Noë kay Kevin. Magkatabi sila sa tapat namin ni Karina sa mesa at ipinaghahanda ng pagkain ang isa’t-isa.

Mula nang maging sila, pamilyar na ang ganitong set-up kasi madalas na ka-“double date” nila kami ni Karina. Madalas kasi akong mag-volunteer na driver nila dahil wala pang lisensya si Noë, hindi pa marunong mag-drive si Karina, at fifteen lang si Kevin.

Shit. Naisip ko na naman na sanggol pa ang boyfriend ng kapatid ko. Madali kasing malimutan na baby pa siya kasi mature mag-isip si Kevin eh. ‘Yun din ang dahilan kung bakit gusto ko ring marinig ang isasagot niya.

“Hindi ko sigurado,” seryosong sagot ni Kevin habang nilalagyan ng seasoning ang kanin ni Noë. “Seloso kasi ako eh kaya hindi ko maisip na papayag akong dalawa kami sa buhay mo.”

“So deal breaker ‘yun sa ‘yo?” nakalabing tanong ng kapatid ko habang naglalagay ng hinimay niyang mga piraso ng crispy pata sa pinggan ni Kevin. “Hindi mo ako gan’un kamahal?”

“It’s not that,” tawa ni Kevin saka kinurot ang ilong ni Noë. “I love you. And I want to be with you. Kaya para sigurong si Kuya Djo,” dagdag niya na sumusulyap sa ‘kin. “Susubukan ko kung kaya kong may ka-share kung ‘yun talaga ang magpapasaya sa ‘yo.”

“Hindi mo hihingin na maging monogamous ako?”

Ibinaba na ni Kevin ang bote ng seasoning at inilapit sa pinggan ni Noë ang mangkok ng sawsawan.

“I could,” sagot niya. “Pero mas gusto kong ikaw ‘yung mamili na gawin ‘yun para sa ‘kin kung gusto mo. I want that to be your choice gaya ng pagiging choice ko ‘yung subukang mag-girlfriend ng poly.”

Tahimik akong humigop ulit ng sabaw. ‘Yun nga rin ang naisip ko. Ayokong pilitin si Pollyanna o bigyan siya ng ultimatum na ako lang dapat ang mahal niya. Iba kasi eh. Kung hindi siya poly, madali lang ‘yun. Exclusive relationship or nothing because I want exclusivity and I expect it from my relationships. pero ‘yun na nga, poly siya, and she was honest about it. It’s a whole new different ballgame.

Wala akong imik halos buong hapunan hanggang sa tawagin ni Karina ang pangalan ko. “Uuwi ka ba mamaya, Djo? Kasi puwede namang dito na ‘yung birthday salubong mo.”

Oo nga pala. Birthday ko bukas ano? Kaya nga pala ako inalok ng birthday threesome.

Akalain mo ‘yun? ‘Yung ibang tao, birthday greetings at free shipping coupon lang ang natatanggap na alok sa birthday nila eh, ako naman kink fulfillment… ng ibang tao.

“We bought cake!” masayang anunsyo ni Noë. “Bukas pa sana namin ibibigay sa ‘yo eh, pero puwede namang pansalubong na natin ‘yun.”

I let out a tired, small smile. Ang totoo parang wala naman na akong ganang salubungin ang birthday ko pero na-touch ako sa alok at sa effort nila. “Kung okay lang sa inyo, sige.”

“Wala ka bang plans kasama ng barkada mo?” tanong ulit ni Noë.

Hindi ko napigilan ang ngiwi.

“Bakit?” tanong nilang tatlo nang makita ang ekspresyon ko.

“Ah, si Polly… ‘yung balak kasi niyang birthday gift na threesome? Si Arkin kasi ‘yung gusto niyang kasama. So I’m still feeling a little confused about that right now.”

Pati si Kevin eh napangiwi nang ipaliwanag ni Noë sa kanya kung sino si Arkin. Teammate, kabarkada at childhood best friend ko ‘yun. Hindi ko ma-isip kung gaano ‘yung ka-awkward pag nagkataon.

Nagkaroon na naman ng diskusyon tungkol sa kung alam ni Arkin o hindi, at sa kung ano ang gagawin ko kung sakaling banggitin ko ‘yun sa kanya at pumayag nga ang mokong na maging T sa BLT sandwich na balak ni Polly, pero umiling na lang ako. I don’t want to talk and/or think about it, not tonight. Tonight, I just want cake.

“Okay, that settles it,” sabi ni Karina. “Dito na lang natin salubungin ang birthday mo. May cake naman na tayo, and we have champagne, too.”

“You do?” sabay naming tanong ni Kevin,

“We do?” gulat ding tanong ni Noë.

“Yup,” tango ni Karina bago siya nagsimulang magligpit ng mga pinggan. “We got you covered.”

---

TUMAMBAY kami sa sala nila at nanood ng isang series sa Netflix habang patuloy akong nagha-hydrate. Wala naman na ‘yung lasing ko at medyo nagutom na kami ulit bago pa mag-twelve. Pinapak namin ‘yung tirang crispy pata, at bago mag-alas dose, nakahanap ng party hats si Karina at pinilit niya kaming isuot ang mga ‘yun.

Sinindihan ni Kevin ang mga sparklers sa chocolate cake ko at kinantahan nila ako ng Happy Birthday bago ako pinag-wish. (I just want happiness and peace of mind, please?) Hinipan ko ang mga sparklers, saka binawi sa ‘kin ni Karina ang cake para hiwain.

Nag-post lang ako ng picture sa social media, ‘yung isang kuha ni Karina na nakatungo ako at nakangiti sa cake ko bago ko hipan ang mga kandila, ‘tapos nag-log out na ako. Hindi muna ako nag-check ng notifs.

Na-veto namin si Karina tungkol sa champagne kasi nga 1) nangako ako kay Lord na hindi na ako iinom ulit; at 2) underage silang lahat, lalong-lalo na si Kevin. Ako lang ‘yung technical adult at dapat na responsable kaya tubig na lang ang ininom ko habang gatas ang sa kanila.

“Guys, thank you ah.” Tiningnan ko sila isa-isa. “I really appreciate this. Hindi lang ‘yung cake at ‘yung pagpupuyat, pero na sinamahan n’yo ako ngayon.”

“Because we love you,” sagot ni Noë. “You’re our kuya.”

Mahina akong tumawa. Hindi naman sila ‘yung huling naisip kong makakasama ko sa birthday salubong ko, pero hindi talaga sila ‘yung una. Sila actually ‘yung third after Polly and my friends, but here we were, and I realized that I was actually glad about that. “Yeah. Thanks talaga.”

Matapos maubos ang slices ng cake at mga baso ng gatas, nagligpit na kami ulit sa kusina. Nag-good night kami sa isa’t-isa at doon ako ulit pumuwesto sa sofa. Tumaas ang mga kilay ko nang ihatid ni Noë si Kevin sa pinto ng condo.

“Uuwi ka pa?” tanong ko kay Kevin.

“Ah, hindi, Kuya. Lilipat lang ako d’yan sa kabila.”

Oo nga pala. Kung tama ang naaalala ko, apat na units lang ang meron sa top floor ng building na ‘to na pagmamay-ari ng mga Montesines, 'yung maternal family nina Karina. Silang magkapatid ang may-ari sa dalawa sa apat na units na ‘yun.

Tiningnan ko lang si Kevin. “Sa tingin mo maniniwala akong d’yan ka sa kabila natutulog kapag dito ka umuuwi?”

Napalakas ang tawa ni Noë. “See? Sabi ko sa ‘yo eh,” sabi ng kapatid ko sa boyfriend niyang namumula. “Huwag ka na magpanggap na gentleman, Kev. Besides, alam naman ni Kuya na good boy ka rin, at na wala kang gagawing himala.”

“Wala talaga akong gagawing himala,” bulalas ni Kevin na namimilog pa ang mga mata. “Baby pa po ako! Wala pa akong alam sa mga himala.”

“Pfft,” tawa ni Noë saka sinimulang hilahin palayo sa front door ang boyfriend niya. “Sige na, baby. D’un ka na sa kuwarto.”

“Good night, Kuya! Happy Birthday,” tawag ni Kevin habang nagpapatulak kay Noë papunta sa kuwarto ng kapatid ko.

“Thanks. Night,” sabi ko sa kanya.

Bumalik si Noë sa sofa para halikan ako sa pisngi at yakapin. “Happy Birthday, Kuya.”

I hugged her back and gave her a squeeze. “Thanks. And really, thank you for letting me crash here.”

“Not a problem.” Hinalikan niya ako sa pisngi saka siya tumuwid.

I caught her hand, and looked up at her. “Pero ‘yung totoo, wala pa naman talaga kayong ginagawang himala niyang si Kevin ano?”

Umikot ulit ang mga mata niya. “He’s fifteen, Kuya.”

“Exactly.”

She ruffled my hair. “Matulog ka na nga! We’ll go do something fun for your birthday later.”

She gave me one last kiss on the cheek before she left for her room. Naiwan akong mag-isa sa madilim na sala.

Tumayo ako para buksan ang blinds bago ko pinatay ‘yung ilaw ng lamp sa sidetable, ‘tapos tumitig lang ako sa mga ilaw ng mga building sa labas. Halos alas dos na ng madaling araw pero maliwanag pa rin at marami pa ring sasakyan sa kalsada sa ibaba.

Naisip ko ulit si Pollyanna. Siya dapat ang kasama ko ngayon eh. Siya sana ang kasama kong kumain ng cake, ‘yung kasama ko sa pic na pinost ko, ‘yung katabi ko ngayon sa kama habang tahimik kaming nagkukuwentuhan. Instead, I was here in a different building, keeping my distance because she wanted to sleep with me and my best friend at the same time.

Isa pa ‘yun eh. Hindi ko alam kung alam ni Arkin. Hindi ko alam kung interesado si Arkin. And that was something else to think about, but not now. Pagod na ako masyado.

Nag-beep ang phone ko at inabot ko ‘yun bago ko pa masabi sa sarili ko na hayaan na lang kung sino man ‘yung nag-message. May text galing sa nanay at sa tatay ko, kay Arkin, kay Flynn, sa mga teammates, at… kay Pollyanna.

‘Yun ang una kong binuksan para basahin.

Polly: For all it’s worth, I’m so sorry for ruining your birthday. I’m glad you’re with Noë tonight. I hope you enjoyed your birthday salubong. Happy Birthday, Djo. I love you.

Sent 1:49 AM

Before I could tell myself not to, nag-compose na ako ng text.

Djoser: Is it okay if I call?

Sent 1:50 AM

Polly: Of course!

Sent 1:50 AM

I dialed her number and she answered on the second ring.

“Djo?” She sounded hesitant and it broke my heart a little.

“Hey.”

“Happy birthday,”

“Thanks.”

Saglit kaming natahimik. Ako ‘yung tumawag pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Djo?”

“Yeah.”

“I’m sorry,” bulong niya mula sa kabilang linya.

Sorry about what? Being poly? She couldn’t help that, could she? The same way gay people couldn’t help being gay.

“You don’t have to apologize,” sabi ko na tahimik din ang boses. “Wala ka namang kasalanan. Wala kang maling ginawa. I… I just need more time, okay? I’m thinking about it.” Hindi ko sigurado kung ano ba talaga ‘yung pinag-iisipan ko. ‘yung threesome, ‘yung pagiging poly o ano, pero ‘yun na lang ang sinabi ko. I’m thinking, in general. “I just want you to know that. Hindi ako galit. And I’m not judging. But I really need to think.”

“I know.” I had to strain to hear her voice. “And I understand. It’s really something to think about, and if in the end, you know…”

“Can we not talk about this yet? Please?” hiling ko. “Ayoko pa kasing pag-usapan ngayon. Magulo pa kasi talaga ‘yung isip ko eh.”

Sa sobrang gulo, pati sarili ko nagtataka kung bakit hindi ako agad nag-no, na hindi ko agad sinabing ayoko ng polyamorous relationship, na gusto ko ako lang.

“I don’t want to say things na hindi ko pinag-isipan,” patuloy ko. “Kapag may sabihin kasi ako ngayon, baka pagsisihan ko sa huli, and I don’t want to hurt you anymore than I already have earlier today.”

“You didn’t hurt me,” sagot niya. “You actually took it better than anyone else would have.”

“But still,” giit ko. “Can we talk about it some other time?”

“Okay,” pagpayag na niya. She sighed. “Okay. Are you coming home today?”

“Oo, mamaya. I have to pack for the trip tomorrow,.”

Aalis kasi kami nina Karina bukas para sa mini-Asian tour na regalo ni Ninong Russ kay Noë n’ung eighteenth birthday niya. Kaya nga tapos na rin ‘yung birthday celebration ko kasama ang teammates ko. Alam ko kasing inuman ang magaganap at ayokong lasing o may hangover akong lilipad pa-Bangkok.

Dakilang chaperone na naman ako n’ung tatlo. I don’t mind. Sino naman ang tatanggi sa isang all-expense paid trip to Thailand, Cambodia, and Japan?

“Do you need help with that?”

“No. Ako na lang.” I paused, pressed my phone harder to my ear, and chewed my lip. “Polly, can we use this time apart to think? Hindi lang naman kasi ako ‘yung dapat mag-isip eh. Ikaw din.” Nagpatuloy ako nang hindi siya nagsalita. “You can’t be completely happy with me. Ikaw na ‘yung nagsabi na ako pa lang ‘yung monogamous relationship mo. I’m sure nag-adjust ka rin. Kailangan mo ring isipin kung kaya mong gan’un, na ako lang, long term.”

“I did it because I fell in love with you, Djo.”

My heart broke a little more. “I know, and I love you, too. I really do. That’s why I’m…” What? Thinking of giving polyamory a try? Namilipit ‘yung sikmura ko, at sigurado kong hindi ‘yun dahil sa tirang tequila. “That’s why we have to think about it.”

“You’re right,” sabi niya sa huli. “Okay. Let’s use this time apart to think. And Djo?”

“Yeah?”

“Thank you,” maramdamin niyang bulong. “For not judging, for not thinking that there’s something wrong with me.”

“There’s nothing wrong with you,” I told her fiercely. “Walang tama o mali sa ‘tin. Magka-iba lang talaga tayo. And we’ll figure it out, okay?” I reassured her although I still have no fucking clue how the two of us could be happy together in the end.

Suminghot siya. “Okay.”

“Sige na. Matulog ka na. I’ll see you later today.”

“All right. Happy birthday, Djo.”

“Thanks.”

“I love you.”

“I love you, too. Bye.”

Pinutol namin ang tawag at ibinaba ko na ‘yung telepono ko sa tabi ko sa sofa, saka ako tumitig sa mga anino sa kisame.

My mind was racing and quietly blank at the same time. Parang static lang sa TV, alam mo ‘yun? Nakikita mo ‘yung mga gumagalaw na linya pero walang picture.

Dalawa lang kasi ang malinaw sa ‘kin ngayon: na mahal ko si Pollyanna, at na monogamous talaga ako. To chose one, I’d have to lose the other. Kailangan kong mamili kung alin ang mas kaya kong mawala.

I want to just make a choice now, and go with it, whatever it is, but I wasn’t really the impulsive type, and this shouldn’t be an impulsive choice.

Bumuntong-hininga ako at bumaling sa kanan. Hinila ko ‘yung kumot mula sa paanan ko saka ko ‘yun itinaklob sa ulo ko.

Hayaan ko na muna. May dalawang linggo ako para mag-isip. Saka birthday ko naman ngayon. Kung may araw na deserve ko ang katahimikan, ngayon na ‘yon. At ngayon, gusto ko lang ng tulog, fluids, at mamaya, more cake.

Everything else will keep.

PREVIOUS | NEXT

LINKS MASTER LIST

Enjoy this post?

Buy elisestrella a coffee.

5 comments

More from elisestrella