elisestrella
63 supporters
An Interview with Paul and Pia

An Interview with Paul and Pia

Mar 02, 2021

I tried writing something for Paul and Pia but it ended up… like this. Ayaw pa kasi talaga magkuwento ni Paul eh. Masaya na daw siya sa background.

Di bale. I’m sure darating din ‘yung oras na magkukuwento siya. Antay na lang natin.

Thank you for reading!

---

MADALAS itanong kina Paul at Pia kung hindi ba sila nagsasawa sa isa’t-isa. They’ve been together since they were twelve after all. Laro-larong boyfriend/girlfriend lang, hanggang sa naging totoo na n’ung fourteen sila, hanggang sa nagkaseryosohan n’ung sixteen, hanggang sa alam na agad ni Paul na si Pia na ang forever niya n’ung eighteen sila. Twenty-six na sila ngayon at magkasama pa rin sila.

Nagsasawa ba siya? Hell no. Hindi na nga niya alam kung ano ang gagawin niya kung mawala si Pia.

Fourteen years. One hundred sixty-eight months. Seven hundred and fourteen weeks. Five thousand, one hundred ten days (give or take kasi may leap years). That was how long he had loved Pia, had been loved by her. He wanted double that time—no, triple that time—to love her more.

binuhat si Pia sabay karipas ng takbo

Me: HOY! SAAN KA PUPUNTA?!

Paul: BAKIT PARANG MAY NAGBABADYANG DISASTER ‘YANG INTRO MO?!

Me: Ano’ng disaster?

Paul: Para kasing naka-upo ako sa hospital bed, hawak ‘yung kamay ni Pia, at nagdadasal na may oras pa kaming dalawa! Kaya nga ayaw kong magpasulat sa ‘yo eh!

Me: Sira! Anniversary post ‘tong ginagawa ko! Ano’ng pinagsasasabi mo d’yang hospital bed?!

Paul: —

Paul: Para kasing nasa ospital talaga eh. Sana kasi may setting ‘yung intro mo. Gaya ng nasa kotse ako, hinihintay na lumabas siya ng opisina, gan’un.

Me: Ang paranoid mo!

Paul: Eh kasi naman! Saka may kasabay akong scene ng Sentinel! Baka ako ang tamaan ng bala sa puwet!

Me: Ano ‘yun?! Lilipat ng document ‘yung bala? Bumalik ka nga dito! Ibaba mo si Pia!

Paul: Masaya na siya sa balikat ko.

Pia: Hindi ako sako ng patatas, Paul Christopher.

Paul: (ibinaba si Pia)

Me: Dito.

Paul: Ayoko.

Me: Lapit.

Paul: Ayoko.

Me: Lapit sabi eh! Tatamaan ka talaga ng bala sa puwet!

Paul: (dahan-dahang lumapit)

Me: SIT!

Pia: (plops down on sofa) Ba’t ba kasi ayaw mong magkuwento ng love story natin?

Paul: (sits down reluctantly) Nananakit si Ate eh.

Me: Ako?!

Paul: Pinapaiyak mo muna ‘yung iba bago mo bigyan ng happily ever after. Pinapahirapan mo muna. Sa universe lang namin, muntik mag-break sina Ash at Mere. Si Kuya Lex—

Me: (covers Paul’s mouth bago makapagbigay ng spoilers) AAABLEHBULEHBULEHBULEHB!

Paul: (muffled words)

Me/Pia: Ano?

Paul: Sabi ko, kita n’yo na?

Me: Kasama sa kuwento ng buhay ‘yun, Paul. Lahat ng kuwento, may conflict.

Paul: (glances at Pia) Eh ‘yun na nga, Ate. Steady lang kami ni Pia eh. Wala kaming conflict. Nagkakilala kami, naging kami, magkasama pa rin kami fourteen years later and beyond, ‘tapos kasal, anak, malaking pamilya, happy ever after. (siniko si Pia) Di ba? Di ba?

Pia: Oo nga. Pero hindi ba puwedeng maging romance novel worthy ang story natin dahil lang wala tayong conflict?

Paul: Si Ate na ang nagsabi. Kasama sa buhay ang conflict. (looks at me, nanlaki ang mga mata) NAG-IISIP KA NA NG CONFLICT ANO?!

Me: (blinks innocently) Moi?

Paul: (reaches for Pia as he starts to stand)

Pia: (hinampas si Paul) Huwag ka nga magulo! (turns to me) Eh, Ate. Opo nga. Paano n’yo isusulat ang story namin ni Paul. Ano’ng conflict namin?

Me: Ano bang gusto mong conflict?

Pia: Puwede bang may super guwapo na billionaire CEO na magkakagusto sa ‘kin ‘tapos susubukan akong agawin sa kanya?

Paul: Aba’t—

Me: Hmm—

Paul: ATEEEEEE! (iyak)

Pia: Eh ba’t ka ba kinakabahan?! Sa palagay mo magpapa-agaw ako?!

Paul: Hindi… pero ma-i-insecure ako kasi hindi ako bilyonaryong CEO.

Pia: Pansin kong di mo itinanggi ‘yung super guwapo part.

Paul: Ba’t ko itatanggi ‘yun? Magsisinungaling lang ako.

Pia: (turns to me) ‘Yun na lang pala, Ate. Nakipag-break ako kasi masyado akong nayabangan.

Me: (silent)

Paul: Pero hindi yata puwede ang third-party sa ‘min, Ate. Ako lang talaga ang gusto nito eh. Hindi ako nito pagpapalit kahit kanino.

Pia: Malapit na talaga ako makipag-break for real, Ate.

Paul: Joke lang! ‘To naman!

Me: Alam n’yo, wala nga akong maisip na conflict para sa inyo—

Paul: Kasi nga po, wala. Hindi naman kami nag-aaway eh.

Me: Kaya sige, papabaril na lang kita sa puwet para matuloy ang paghoholding hands n’yo sa ospital habang nagdadasal kang sana may oras pa kayo ni Pia.

Paul: ATEEEEE!!!

Pia: (laughs histerically)

Me: Joke lang. Sige na. I’ll think of something.

Paul: Huwag masakit ah! Walang involved na bala sa puwet o bilyonaryong CEO.

Me: Opo. Walang gan’un.

Paul: Walang involved na break up.

Pia: Pero gusto kong ma-experince makipag-break sa ‘yo!

Paul: Sige pa. Itatakbo na kita!

Me: Sige na. Ako nang bahala. Thank you for visiting me!

Paul: You’re welcome, Ate! I lab you. Walang bala sa puwet!

Me: Sige pa. Ulitin mo pa, gagawin kitang Sentinel.

Paul: Hindi na po.

Pia: Thanks, Ate! Kahit ano naman ang gawin mo, I’m sure it’s going to be all right. Kahit naman umiyak kami sa gitna ng kuwento, sigurado naman kaming sa huli, we’d be together and we’d be happy.

Me: Oo nga. Ewan ko ba kung ba’t ayaw pa maniwala n’yang si Paul.

Paul: Ayokong umiyak eh.

Pia: Hindi mo ako iiyakan?!

Paul: Hindi ‘yun ang sinabi ko! Sabi ko ayoko.

Nagtutulakan sila habang naglalakad palayo na parang magkaibigan lang, and then they reached for each other’s hands, leaned close to each other to kiss.

And at that moment, it didn’t feel like fourteen years. It felt fresh, and brand new, and as warm and thrilling as when they first fell in love.

Enjoy this post?

Buy elisestrella a coffee.

2 comments

More from elisestrella