Last week, I asked for story prompts on Twitter, and got a lot of them. More than I can work on because I only had a little time, so I actually haven't finished going through all of them. 

This is one of those prompts, and it's from Hydie. I just thought it was really nice to use it for Ashmere, so I wrote something longer-ish for it. 

So I hope you enjoy this AshMereMason scene. Thanks for the prompt, Hydie! 💙

••• 

KUNG tatanungin mo si Meredith Montesines kung ano ang pinakakinaiinisan niya tungkol sa mahal niyang asawa na si Ash, ang isasagot niya ay na lagi na lang siyang nagliligpit ng mga gamit na kung saan-saan nito iniiwan. Lahat ng gamit sa bahay nila ay may lugar, as decreed by Mere, at kung hindi niya mahanap agad ang isang bagay, isa lang ang ibig sabihin niyon, na tinangay na naman iyon ni Ash at hindi ibinalik sa tama nitong lugar. 

Kapag wala sa drawer ang gunting sa kusina, alam niyang ginamit iyon ni Ash para magbukas ng kung anong pack na hindi nito mabuksan, at kung saan na naman nito iyon ibinaba. At least may presence of mind ang asawa na hindi iyon iwan sa kung saan maaabot ng anak nila dahil, nakuuu, subukan lang niya. 

Bihirang manood ng TV si Mere, pero sa tuwing gusto niyang manood, wala ang remote ng TV sa binili niyang organizer ng mga remote controls na nasa sidetable sa tabi ng sofa. Saan niya ‘yun nahanap? Sa ibabaw ng takip ng litter box ng pusa nila na si Ashton. 

Minsang gusto niyang i-check ang temperature ni Mason dahil sa pandama niya, parang may sinat ang anak nila, hindi naman niya mahanap ang thermometer at kinailangan pang magpabili ng bago. Nahanap naman niya ‘yung luma, eventually. Nakasingit iyon sa pagitan ng mga kutson nila sa sofa. Apparently, ‘yung huling beses na ginamit iyon ni Ash, hindi nito iyon ibinalik sa medicince cabinet nila. 

Nakakalat ang mga sapatos, kung saan-saan nakasampay ang basang tuwalya, nawawala ang mga chargers at mga kable, at kung anu-ano pang biglang hinahanap sa kanya ng asawa na makikita naman nito agad kung ibalik lang nito sa tamang lugar. 

But no, parang mas gusto pa ni Ash ang magtanong ng “baby girl, nakita mo ba ‘yung—”. And it drove Meredith crazy. 

Not that her husband was messy. Hula niya nakakalimutan lang nito minsan na dala nito ang isang bagay at bigla na lang ibinababa SA kung saan nang walang kalaban-laban. At si Meredith naman, dahil siya ang nagliligpit, lagi rin niyang alam kung saan nakalagay ‘yung mga hinahanap ni Ash. 

Sometimes, she didn’t mind. Sometimes, she liked having him ask her because he’d always have this helpless expression on his face that she found endearing. But sometimes, she would love to teach him a lesson. 

Like now. 

She walked into their house after a long meeting—on a Saturday morning at that!—and the first thing she sees are her husband’s and her son’s shoes on the floor eventhough the shoe closet was right there, just to the right of the front door. She was also pretty sure that that sippy cup does not belong on that table at the entryway. 

She also almost tripped on Ashton’s favorite toy, a battered mouse plushie, that was on the floor, a few steps away from the door. 

Parang gusto na agad pumikit ni Mere para hindi na makita ang kalat na sigurado niyang naging produkto ng ilang oras na wala siya sa piling ng dalawa—tatlo, actually, Kasama SI Ashton—sa pinakamahahalagang lalaki sa buhay niya. 

Lagi na lang, isip niya. She was tired, stressed, hungry, and was quickly getting annoyed. Maybe it was time they finally decide on taking on a fulltime helper. Kasi kung ganito naman lagi kapag iiwan niyang in charge sa bahay si Ash—

She stopped in her tracks when she saw the scene in front of her. 

Nakahiga si Ash sa sofa nila, masarap ang tulog na naka-awang ang mga labi. Nakatupi ang isa nitong tuhod at nakababa sa sahig ang isang paa. Nakadapa sa dibdib nito si Mason, nakabaling sa direksyon ni Mere at naka-awang din ang mga labi gaya ng papa nito. 

Everyone told them he looked like her, but to Mere’s eyes, her son looked like his father too. May anggulo, sa kung paano ngumiti si Mason, kung paano kuminang sa kapilyuhan ang mga mata nito minsan, that was all Ash. 

Napansin din ni Mere ‘yung orange na ball of fluff na masarap din ang tulog sa paanan ni Ash. Nakakurba ang likod nito, nakataas ang isang paa sa ere, nakatingala pa, at nakalabas ang little teefs. 

And Meredith just melted right there on the spot where she stood. Nalimutan niyang nakadama siya ng pagka-inis. Nalimutan niya na lagi siyang nagliligpit ng mga kalat ni Ash dahil alam niyang may dahilan naman ito kapag makalat ito. 

Iniiwan nito ang mga gamit sa kung saan-saan dahil bigla itong na-di-distract, madalas ni Mason, and on a lesser extent, ni Ashton. Pero mabilis naman itong magligpit kapag maalala na nito o kapag makita na nito ang mukha ni Mere, whichever comes first. 

She walked to the sofa and knelt on the carpet. She kissed her son’s forehead first before she moved to kiss her husband’s lips. Ash’s eyes slowly opened, and then he gave her a sweet, sleepy, happy smile. She smiled back. 

She knew she had married a very good man who had given her an amazing son, and she loved them both to bits. If there was one more thing na alam niyang lagi-lagi ring magiging totoo, iyon ay na lagi rin niyang mamahalin ang dalawa—ang tatlo—na ito, habambuhay.