Give Me More - Kabanata 65

Give Me More - Kabanata 65

Mar 13, 2021

"G-good morning, ma'am," nakayukong bati ni Belle nang madaanan ko 'to sa hallway. Kadarating ko lang at gusto kong simulan ng maganda ang araw ko kaya naman nakangiti akong bumati pabalik.

"Good morning."

Gulat ang mukha nitong napaangat dahil marahil takot at kabado pa ito sa nangyari kagabi. Dumirecho na agad ako sa office ko, pero hindi pa man ako nakakaupo ay mabilis na nakasunod si Belle, dala ang isang tasa ng kape na maingat nitong inilapag sa table ko.

Dahan dahan ko itong kinuha.

"Are you trying to make it up with me?" naniningkit na tanong ko bago maingat na sumimsim sa kape ko.

"Sorry po talaga, ma'am. Hindi ko naman po kasi alam na ex n'yo—"

"Sige ipagsigawan mo pa."

"Ay sorry po." Tinakpan nito ng mabilis ang bibig at mahinang pinagpapalo pa.

"I just want you to shut your mouth about it. You won't like it seeing me mad, right?"

"Yes, ma'am. Pangako wala akong pagsasabihan." Itinaas pa nito ang kanang kamay na animo'y nanunumpa.

Napabuntong hininga ako. "Thank you, Belle. I hope na hindi mo isiping pinagbabantaan kita or what. You're a woman too and I want you to understand that there's always a man from the past we wouldn't want to be part of our present."

"How about sa future, ma'am? Pa'no kung kayo pa rin pala ang nakatadhana?"

"Pa'no kung sa ibang istasyon ka pala nakatadhana? Do you want to find it out now?"

Mabilis na umiling ito nag may hand gestures pa. "Joke lang, ma'am. Sige po tulong muna 'ko sa preparation sa studio. Pa-make up na po kayo para mas lalong manghinayang si Attorney sa sinayang niya. Char lang, ma'am!" Bago pa 'ko makahirit ay madali na itong lumabas ng opisina ko.

Sinaniban ba 'yon ng batang Portia? I think I heard my old self in her dahil kung ako nga ito 3 years ago, siguradong 'yon din ang isasagot ko. Natawa tuloy akong napailing bago tumayo para maghanda sa airing namin mamaya. Ngayon ang dating nina Tatang Andoy at ilan sa mga kasamahan nito sa kanilang komunidad para sa kasong tatangkain naming ilabas sa publiko at ilaban sa korte.

I was walking on the hallway nang makasalubong ko ang lalakeng ayoko sanang makita sa magahapong 'to.

"Portia..." Mabilis na nilagpasan ko siya. I already told myself I have to keep my distance from him and I know this is how I should do it. "Portia, wait!"

He grabbed my arm so I had to stop.

"Anong importanteng bagay ang kailangan mo sa 'kin, Atty. Smith?"

Saglit na napatigil siya sa inasta pero agad din na nakatingin ulit siya ng deretso sa mata ko.

"Just wanna give these notes for you para hindi ka mahirapan mamaya."

Kinuha at tinignan ko ang hawak niyang mga papel. Napatango-tango ako nang makita kung gaano ka-detalyado at kadaling intindihin itong ginawa niya.

"Thanks for the effort, but... I don't need your help." Ibinalik ko sa kanya iyong mga papel bago ako nag-martsa papunta sa makeup room.

Nakapikit ako habang nagpapa-makeup para i-review sa utak ko iyong mga impormasyong binasa ko kagabi para sa show namin ngayon. I have enough knowledge of the topic we're gonna discuss today, so I don't think na sayang 'yong offer niya. Tsk.

"Naku sobrang traffic sorry. Hindi pa naman ako masyadong late 'no?"

"Hindi pa naman," sagot ko. Hindi ko na kailangan pang dumilat para alamin kung sino ang kausap ko. "I just hope you came here prepared, Ms. Tiongson."

Narinig ko ang pagtawa nito ng bahagya. "Oo naman, Ms. Martin. Ako pa ba? There's nothing I can't handle in this profession."

Ngumisi ako pero hindi na muling nagsalita pa. Obvious naman siguro na hindi ko bet na makipag-chikahan sa kanya. Siguraduhin lang talaga n'yang hindi siya papalpak this time. Dahil sa mga past episodes namin, lagi ko na lang kailangan linisin ang mga kalat na lumalabas sa bibig nito.

"Pa-open ng eyes, Ms. Portia," sabi ng makeup artist ko kaya dumilat naman agad ako. Pinakatitigan kong mabuti ang itsura ko at walang duda na napakaganda ko talaga with or without makeup. I was about to get the drink someone gave me earlier nang biglang inunahan ako ng kuha ni Ms. Tiongson.

"Ano ba naman 'to, It tastes so cheap." Nakangiwi nitong itinulak pabalik sa 'kin iyong canned juice ko. Is she crazy? Feeling n'ya ba iinumin ko pa 'yan after n'yang inuminan?

Masama ko itong tinignan pero abala itong pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Inis na lang akong tumayo para lumipat ng pwesto. Tapos na rin naman akong magpa-makeup at kailangan ko na lang ng tahimik na pagpapahingahan habang naghihintay ng oras.

Nakasalubong ko si Glenda habang papunta sana ako sa lounge.

"Nand'yan na sina Tatay Andoy. Mukhang mga kabado okay lang bang kausapin mo muna?"

"Nasaan ba sila?" maagap sagot ko naman.

"Nasa visitor's lounge pinag-re-relax ko. Baka mamaya himatayin sila bago pa tayo magsimula." Napahilot ito sa ulo at pumayag naman ako kaya doon ako sa visitor's lounge dumiretso. Kaso muntik akong mapaatras pagkakita sa lalakeng kausap nila.

"Ma'am Portia!" ugh. Napalingon ang mga kasama nito sa 'kin pati na rin siya. Aalis na sana ako since may kausap naman na pala sila kaso tinawag ako ni Tatay Andoy.

"Kamusta po, Tay? Balita ko kinakabahan ka na naman?" Nagmano ako bago umupo sa katapat na sofa nila, katabi si Sam. Tsk.

"Oo, madam. Nakakakaba pala lalo kapag nandito na. Pero buti dumating itong si Attorney kahit papa'no nabawasan ang pangamba namin."

He smiled so warm at them. "Wala po kayong dapat na ipag-alala. Sagutin n'yo lang po kung ano ang itatanong sa inyo ng host." Tumingin siya sa gawi ko. "Magaling naman ang host natin siguradong hindi kayo mahihirapan."

I didn't know if I should feel flattered or pressured, but of course I had to face them with full of confidence.

"Tama siya, Tatay Andoy. Hindi ba't nag-practice na tayo n'yan?" Natawa ito nang maalala iyong pag-eensayo na ginawa namin sa bundok noong nagpunta kami sa komunidad nila.

Nakita ko namang nawala ang kaba nilang lahat kaya nang tawagin na kami ni Belle para pumunta sa studio, tumatawa na ang mga itong nagkukwentuhan.

Tatlo kabilang si Tatay Andoy sa mga uupo sa guesting. Yung iba ay mananatili lang sa isang tabi para manood habang si Sam naman ay nasa isang isle kung saan itatapat lang ang camera sa kanya kapag may ikokonsulta na kami. Hindi ko talaga alam kung papaanong napapayag ng mga boss ang lalakeng 'to na humarap sa camera. Because as far as I remember, hindi niya gustong lumalabas sa TV. Or maybe he has changed.

"30 seconds to bumper...standby!" sigaw ng aming floor director. Naka-focus na ang lahat at maging kami ni Lanie Tiongson ay nasa camera na ang mga mata. "In 3...2...1...cue!"

And the show started again with all eyes on us. We had to look professional kaya kahit na ayaw ko sa kasama ko, wala akong choice kundi kausapin ito na para bang very close kami.

We were adoing good dahil maayos na nakakasagot sa amin sina Tatay Andoy at gano'n din ang consultation na ginawa namin with Sam. Hindi pa tapos ang programa pero alam na agad naming we hit the target number of audiences.

"The place is their ancestral domain. Sila ang mga unang taong nanirahan at nag-alaga sa lugar na 'yon, but you're treating them as if they were invisible."

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya habang kinakausap niya on air iyong spokesperson ng ahensya ng gobyerno na nais bumili sa lupain ng mga katutubo para sa itatayong project ng mga ito. Sam looks so...dazzling...splendid and...sexy.

Damn.

I immediately looked away bago pa mapunta kung saan ang utak ko. Napansin ko rin itong katabi ko na kulang na lang ay sahuran ko ng timba ang bibig na kanina pa nakanganga. Hindi ko napigilang umirap nang makita ko pa itong nagpapa-cute.

Walang tigil na pasasalamat ang paulit-ulit na ibinigay sa amin nina Tatay Andoy at mga kasamahan bago umalis. Inulan din sila ng mga tulong hindi lang pangkabuhayan kundi pati ng iba't ibang abogado na gustong mag-represent sa kanila nang walang bayad.

Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad papuntang restroom, pero nang matanaw ko na magsasalubong kami ni Sam, mabilis akong lumiko. Anak ng kabayo oh! Napakahirap namang iwasan ng lalakeng 'to!

No choice tuloy akong pumunta sa kabilang CR para doon na magtanggal ng makeup. Hanggang sa pagharap ko sa malaking salamin ay magkasalubong pa rin ang mga kilay ko. Lalo pa nang lumabas mula sa isang cubicle si Lanie Tiongson.

Hindi ako nito binati o kahit tinapunan ng tingin pero nakangiti itong parang baliw.

"You think na hindi ko nakita 'yong pang-iirap mo sa 'kin kanina?" nakangising sabi nito habang nag-re-retouch ng makeup. I casually took a cotton from my pouch and put makeup remover on it.

"Well I guess you're aware that we don't like each other." Marahan kong tinanggal ang makeup sa mukha ko.

"Of course, Ms. Martin. I know that very well. At siguro naman aware ka rin na kung may babanggain ka sa industriyang ito, hindi dapat ako 'yon."

Bigla akong natawa.

"At bakit hindi dapat ikaw? Dahil ba mas matanda ka at parang nanay na kita?"

"I think I'm starting to not like that tongue of yours."

"A lot of people already told me that." I took a step closer to her. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "At kung may babanggain ka rin sa industriyang 'to, hindi rin dapat ako 'yon. Dahil kahit anong edad mo pa, kaya kitang patulan kung gugustuhin ko."

"Really?" She raised her hand and before her palm hit my face, I was able to push and pin her onto the wall. Pinilipit ko ang dalawang braso nito sa likod habang nakadikit ito sa pader.

"Sinusubukan mo ba 'ko?"

"A-aray...nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka kung hindi mo 'ko titigilan. I was already trying my best to cooperate with you, pero sinusubukan talaga n'yang pagmumukha at ugali mo ang pasensya 'ko."

"Aa-ahh! H-help! Help! Somebody help me here!"

My lips parted when she started shouting for help. Baliw ba talaga 'to? Nakataas ang kilay ko na pinapanood itong nagsisigaw na parang sira kahit hindi ko naman na ito hawak. But what she did next really made my mouth fell on the ground.

She threw herself on the floor. Nanlaki ang mga mata ko nang tumama ang ulo nito sa kanto at bahagyang dumugo.

"Have you gone crazy?" gulat na sigaw ko. Papalapit na ako rito para abutin ang kamay nito nang biglang nagsidatingan ang ilan sa mga empleyado at...nakatutok sa 'kin ang camera ng kanilang mga cellphone.

What the fuck?

"Ms. Tiongson! Ayos lang po ba kayo?!" Nagsilapitan dito iyong mga babaeng dumating at hindi ako makapaniwala sa kung papaano ito umaarte sa harapan nila ngayon. She's acting like I just beat her into pulp!

"Ilayo n'yo 'ko sa babaeng 'yan! She's such a war freak!"

"Ayy? Ako pa ang war freak? Alam mo mukha kang tanga sa ginagawa mo."

Galit na galit ang tingin nito sa 'kin at biglang may kinuha ito sa bulsa.

'At kung may babanggain ka rin sa industriyang 'to, hindi rin dapat ako 'yon. Dahil kahit anong edad mo pa, kaya kitang patulan kung gugustuhin ko.'

Gulat ang tingin ng lahat na bumaling sa 'kin. Okay? So ako 'yung bully gano'n?

"Hindi ka naman masyadong prepared? Why don't you let them hear the whole recording since may paganyan ka naman pala."

"I didn't know you were this kind of girl, Ms. Martin," paawang sabi nito na parang hirap na hirap pa.

Ay inaano kita, te?

"....I thought mali lahat nang nabalitaan ko tungkol sa 'yo," dagdag pa nito. "Bakit ganyan kang makitungo sa mga katrabaho mo? Dahil ba alam mong malakas ang kapit mo? Bakit? Hanggang ngayon ba ikaw pa rin ang gustong maging manugang ni Vice President Dela Vega?"

Narinig ko ang pagsinghap ng lahat sa sobrang gulat sa sinabi nito at pati ako nagulat! hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang mga bulung-bulungan nila. Tangina akala ko tapos na 'ko sa gan'tong part ng buhay ko.

"Are you really that curious of my personal life, Ms. Tiongson? Mukhang mas updated ka pa kaysa sa 'kin, ha? First of all, I did nothing to you. Second, stop dragging other's name with mine. Especially when they have nothing to do with me anymore."

Nag-research na rin man lang ang gaga, hindi pa ginalingan! May girlfriend na si Easton at tahimik nang namumuhay sa Ilocos! While si Tito Clarence naman, maayos ang leadership as the country's new Vice President. Sobrang okay kaming lahat kaya sobrang nakaka-stress 'tong babaeng 'to na nagsisimula na naman ng chismis. Sarap sungalngalin ng tissue towel sa bunganga! Ang tanda tanda na, pero parang walang pinagkatandaan!

Inirapan ko lahat nang mapanghusgang tumingin sa 'kin. I wasn't bothered at all dahil alam kong wala akong ginawang kasalanan, pero kung makatitig sila ay parang ako na ang pinakawalang galang sa mundong 'to. Wow. Kung katulad na lang n'yan ang igagalang ko, no thanks na lang.

"Tabi," inis kong sabi at dahil nagkumpulan sila sa pinto ay hindi ko naiwasang hindi kami magbungguan ng mga balikat ng mga nakaharang.

Rinig ko pa ang pagbubulungan ng mga 'to bago ako tuluyang nakalabas. Kaso pagdating ko naman sa labas ay si Sam ang humarang sa 'kin.

"What happened?"

"Pati ba naman ikaw?" Badtrip akong nilagpasan siya pero narinig ko ang pagsunod niya sa likuran ko.

"Did you get into a fight?"

"Oo nakipagsabong ako. Happy?" pilosopong sagot ko habang naglalakad pa rin at nakabuntot siya. "Will you stop following me? Wala ka bang trabaho?!"

"You're part of my work here."

"The fuck?" Napahinto ako. "We're done with our work this week. Baka pwedeng next week naman?"

"No. You are an urgent work of mine."

"You think I'm in the mood to talk about work right now?!"

"It's not the work you're talking about. The work I'm talking about is us..." Nabato ako sa kinatatayuan ko bigla. Parang may kuryente akong naramdaman sa dulo ng mga daliri ko na unti unting dumaloy sa mga ugat ko. "I wanna work things out with you."

Lumapit siya. As in sobrang lapit. Ano bang pinagsasabi nito? Marahil kung may reality show lang kami rito sa PBN ay baka naisip ko nang pinaprank na 'ko ngayon ng lalakeng 'to. Kunot noo ko siyang tinignan pero wala akong makitang bakas ng biro sa mga mata niya.

"You're insane." Nanlalamig ang mga kamay kong naglakad ulit paalis. Pinilit kong hindi siya lingunin.

Nasisiraan na yata talaga ng ulo lahat ng tao rito. Umiiling akong naglakad pabalik sa opisina ko at ni-lock agad ang pinto bago pa siya makasunod na naman.

Pero ilang sandali lang....

"How the fuck did you get in?!" Galit akong napatayo mula sa upuan ko.

"I'll court you."

"WHAT?!" Sa lakas ng sigaw ko ay siguradong aakalain ng mga nakarinig na may kaaway ako. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa sinabi niya?!

"Liligawan kita."

Aba't talagang inulit niya pa!

"Is that even a question?!" sigaw ko ulit. Kung makapagsalita kasi siya para pang nang-uutos!

"It's not. It's actually a statement." Lumapit siya at kaswal na umupo sa chair na nasa tabi ng table ko. "I know if I ask you, the probability that you will reject me is quite high."

"Buti alam mo! At hindi lang quite high, talagang high! Kaya pwede ba? Kung ano man 'tong kalokohan na ginagawa mo, I have no time for this. Leave.me.alone." Pinanlikan ko siya ng mata para makita niyang hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang 'to.

However, his eyes suddenly softened. "Do you really not want me to love you?"

Napako ang mga mata ko sa mga mata niya at para akong hinihigop ng mga ito. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag-isip ng tama. Tangina, ano bang nangyayari sa taong 'to?

"A-ayoko na," bulong na sagot ko.

"How about to just let me like you?"

I shook my head. "Ayoko pa rin. Ano ba 'tong trip mo?" My chest started to feel heavy, but of course I didn't let him see that.

"Okay...this is the last choice I have," he said, looking very problematic. Parang pasan niya ang mundo na humarap sa 'kin at ipinatong ang magkasiklop niyang kamay sa lamesa ko. "I'll just have a crush on you until you crush me back."

Muntik yatang mahulog ang mga mata ko sa sahig. Siguro mga 5 seconds akong nakatulala na naman sa kanya bafore I unbelievably look at him with my brows furrowed.

"Are you sick? I really don't get your purpose for doing this kaya uulitin ko, wala akong panahon sa mga trip mo. I don't want you to have a crush on me. And my God please lang, tantanan mo 'ko," halos magmakaawa na 'ko sa kanya.

Oh my gosh. I never thought na darating ang araw na 'to na ako 'yung makikiusap na tantanan niya 'ko like...if he was only talking to my old self na patay na patay sa kanya noon, siguradong hinila ko na 'to sa airport para mag-honeymoon.

"You know what, Portia? You are so unfair."

Hindi na naman ako makapaniwalang napabuga ng hangin. "Ako pa ang unfair?"

Gusto kong matawa sa lahat ng pinagsasabi niya sa 'kin ngayon. Nauntog ba ang ulo niya at parang wala na siyang maalala? How could he tell me I'm being unfair?!

"Did I treated you like that when it was you who had a crush on me?" nakatingalang tanong niya sa 'kin.

"Wow nanunumbat ka ba?"

"Hindi. Just trying if you can give me a little consideration." Napahilot na 'ko ng tuluyan sa ulo ko habang masamang tinitignan siya.

Can't he ask himself if he even deserve a little consideration?! After all the pain I went through because of him?! Kinontrol ko nang maigi ang kamay ko dahil baka maibato ko sa kanya ang kung anumang maabot ko para lang tumahimik siya.

"Fyuch?"

Nanlisik ang mga mata ko sa sinambit niya. "What the fuck did you just call me?!"

"I called you Fyuch."

"Wag mo 'kong tatawagin niyan!"

"Why not?" A playful smile formed on his lips as he stood up and leaned his face towards me. "I want you to call my fyuch..." He reached out and touched my face, trailing his fingers along my cheek. "My future, my darling, my honeybunch sugarplum, pumpy-umpy-umpkin. You're my sweetie pie. You're my cuppycake gumdrop snoogums-snoogums you're the apple of my eye."

Oh God. He literally sang it to me.

***

Enjoy this post?

Buy missflorendo a coffee

More from missflorendo